ikissmile.ikissyou
Sunday, August 12, 2012
Napansin ko lang.
Hanga ako sa mga taong pinipilit maging malakas kahit nasa kanila na lahat ng karapatan para sumuko. Yung feeling na kayo nga pero hinde naman talaga kayo para sa isa't isa. Yung feeling na sa sobrang rupok na ng tulay. Isang hakbang mu na lang masisira na at baka sakaling mapasama kapa sa pag-sira at pagputol nito. Yung feeling na mag ka holding hands kayo pero mangawit lang yung isa, bibitawan nya na ito. At! yung feeling na mukha ka ng tanga pero doon ka pa masaya. Guys alam ko sa panahon na ito. Minsan kahit ilang beses sabihin ng utak mong tama na, pilit paring sinasabi ng puso mong konting tiis pa. Well, hinde din kasi natin masisisi dahil bawat tao ay mag kakaiba. Pero guys wag tanga (hehe), yun lagi una mong isipin promise. At guys, before kasi kayo pumasok sa isang relasyon.. Ang salitang mahal kita ay walang silbi kung paulit-ulit lang sinasabi, dapat paulit-ulit din itong ginagawa at pinaparandam. Hinde yung tipong Go ka ng Go. ito yung problema sa karamihan eh, kaya make sure mo muna before mo gawin ang isang bagay. AND! tandaan, masarap mahalin ang taong mahal mo, at mahal ka din. AND promise last na! Pag nagmahal kasi kayo, hinde din ito dinadaan sa pera, itsura or sa treat at sa mga bagay na binibigay mo. Kundi sa askyon, atensyon at ugali na ipinapakita mo.
Jefferson Merlin here c:
My facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
Always visit my: ikissmile.blogspot.com Be updated guys! hehe
Thankyou guys! Enjoy reading my blogs!
Friday, August 3, 2012
Are you a GoodKisser?
Super tawa much ako dito sa question na ito hehe. Pero sure sasagutin ko ito. Ahm, guys actually wala akong alam sa mga ganyan bwahahahaha! Napaka inosente kong tao eh hehehe! kayo talaga! Pero sige na nga Oo i am a goodkisser hehehe. Ahm, sometimes kasi malandi din ako. Yung tipong pag lumandi ako. Daig ko pa ang mga babae lumandi hehehe. Madalas ito mangyari sa mga party party.. you know.. club party whatever hehe. Ok mag kkwento ako ng experience ko. Ahm, May mga time na hinde ko mapigilan talaga.. yung mismong hinde mo talaga mapigilan humalik hehe. Nangyari ito sa party party life ko. My isang girl. Tawagin na lang natin syang Ms. Mistake hehe. Nakasayawan ko sya with my friends sa dance floor. Pero humiwalay kami. Yung tipong dumistansya lang kami ng unti para makabwelo ako hehe. So ayun nakadistansya na, success na! ito na yung moment na ikikiss ko na sya hehe. Pero before that, may sinabi ako sa kanya bago ko sya ikiss nun eh. Kaso nalimutan ko na guys hehe. But anyway, balik na tayo sa kissing scene moment na magaganap. Nung nagkatitigan kami. Hinde ko talaga mapigilan. Sinimulan ko na yung 1st move. I mean yung 1st kiss. Hmm mga 2sec lang ata yung kiss na yun hehe. Yung 2nd moves ko naman. Kahit papaano 5sec din yun hehe. Pero may mga time na nag-init talaga ako hehehe! alam nyo ba ang ginawa ko? Inanyaya ko siya sa labas ng club. Iniwan muna namin yung mga friends namin sa loob ng club. Well, naglakad-lakad muna kami noon papalayo sa club. Eh sakto perfect place! Huminto kami sa isang lugar. Sumandal muna ako noon. Hinde ko na matandaan yung sinandalan ko noon hehehe. Basta ayun hehe. That time usap-usapan pa kami nalalaman noon. Pero NAKOW! ito talaga yung momment na hinde ko talaga mapigilan. At alam ko din nakikita ko sa mga mata nya na nang-gigil na din siya. Kaya ayun wala ng paligoy-ligoy pa at sinimulan nnamin yung mainit at wild na eksena hehe. Grabe kahit papaano mahigit kalahating oras din yung kissing scene namin nun hehe. Pero guys linawin ko lang huh? No sex po ang naganap. Kissing scene lang po :) saka my respeto ako sa mga girls :) anyway, after maganap ang kissing scene. Bumalik na kami sa club na parang walang nangyari. Nag act kami ng normal hehe. at Ayun the end hehe. Uhm, guys i forgot. weakness ko din kasi yung kiss eh. Pag na kiss kasi ako ng isang girl. Bumibigay talaga ako hehehe. Oo, promise kaya minsan pag pumaparty ako as much as possible minsan umiiwas din ako hehe. Kaya sana kung mangyari ule yung ganun. Pls lang. Sana pigilan din ako ng girl hehe. AND! isa pa! Wala naman masama sa kissing scene. Basta alam mo yung limit mo at dapat single ka. Bakit ko nasabing single? Syempre alangan na naka in a relationship ka. Tapos gagawa ka ng ka-churvahan. Diba ang sakit? diba nakaka konsensya? kaya guys dapat alam nyu din ang ginagawa nyo. Wag laging Go ng Go. ikaw din baka makarma ka or mahuli ka pa :)
-Jefferson Merlin here c:
-My facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
-Always visit my blogspot: http://ikissmile.blogspot.com
Enjoy reading my blogs! love u guys!
-Jefferson Merlin here c:
-My facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
-Always visit my blogspot: http://ikissmile.blogspot.com
Enjoy reading my blogs! love u guys!
May nag tanong: Paano ka mapapansin ng crush mo?
-Guys. Simple lang. Tapunan mo siya ng ketchup or tumalon ka sa harap nya hehehe or pwedeng wag mo din pansinin hehehe! Pero sa totoo lang guys, yung iba kasi ang feeling. Yung iba naman, nalaman lang na crush lang siya ng tao. Ang feeling-feeling na yung tipong feeling sikat na hehehe. Yung iba naman feeling hinde namamansin pero pag kinausap mo naman. Doon ka lang niya papansinin. Marami kasing klase eh. Meron pa nga nalaman lang na crush siya ng tao after nun nagkausap lang sila at nagkakuwaan na ng number. Kinabukasan my something na or pwedeng sila na agad. Yung iba, lalayuan kapa or mahihiya na siya kausapin ka dahil nalaman nya na crush mo siya. Hmm.. For me, tips ko lang. Pagmasdan mo muna siya or kilalanin mo muna siya kahit hinde nya pa alam na crush mo siya. Para alam mo kung anung klaseng ugali meron ang crush mo. Yung iba pa nga nadidisapoint sila kasi yung crush nya is ganito, ganyan daw etc. Nag kakaissue pa. Eh ano ngayon? madidisapoint ka din? BOOM! kaya mas better na kilalanin mo muna siya. Wag kang magpapahalata syempre hehe. Kaya nga lihim na pagtingin eh. Ninja moves muna yun. Diskarte muna yun. So i think yung lang masasabi ko. At wait isa pa! Para sa mga students. Ok lang naman na mag ka crush ka. Yung tipong crush lang. Para my inspiration ka. Ako kasi ganun ako. Pag ako nagkaka-crush yung dyosa talaga sa school hehehe! Ang malupit doon. classmate ko pa hehehe at katabi ko pa wahehehe. Marami akong crush sa school kaya hinde ako mauubusan ng inspiration hehehe! saka dahil sa inspiration. Ang tataas ng grade ko hehe. Minsan sa sobrang inspiration ko sa mga girls. Nangongopya na lang ako sa clase para hinde na ako mahirapan hehehe! anyway hehe. Uhm guys, tips ko lang. Hinde yung nagka crush ka lang. Feeling mo umiikot na yung mundo mo sa kanya. Ang disadvantage nyan is pwedeng makasira sa pag-aaral mo. Kaya gamitin ang crush for inspiration lang. Wag kakabaliwan :) at isa pang pahabol. Promise last na. Paano ka nga ba mapapansin ng crush mo? Ito na promise. Stay kind to him/her. Paramdam mong special siya. Or do something that will make him/her proud or notice you OR! ito ewan ko lang! make an eye to eye contact d'best! haha ewan ko lang :)
-Jefferson Merlin here c:
-My Facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
-Always visit my blogspot: http://ikissmile.blogspot.com
Update-update lang. Love you guys.
-Jefferson Merlin here c:
-My Facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
-Always visit my blogspot: http://ikissmile.blogspot.com
Update-update lang. Love you guys.
Thursday, August 2, 2012
May nag-tanong: Paano daw ba manligaw?
Guys, Sa panahon na ito. Hinde ko alam kung uso pa ang ligawan ngayun. Marami kasi klaseng ligawan eh. May tawagan at landian na kase. Meron pa nga feeling mo kayo na pero hinde naman. Meron namang nanliligaw ka pero hinde mo feel kung panliligaw nga ang ginagawa mo sa kanya. Meron pa nga dinadaan sa text ang panliligaw hehe. Ahm, Maraming klaseng panliligaw pero iba padin ang panliligaw sa harap mismo ng isang babae. Guys wag nyo idaan sa kung ano-anong klaseng teknik na panliligaw meron kayo para lang makamit nyo yung matamis na "Oo" ng isang babae. For me iba padin yung mismong harap-harapan na panliligaw sa babae or harap-harapan na pagtatapat ng nararandaman sa kanya. Yung mismong sabihin mo sa kanya direktehan gusto mo sya? mahal kita! or watever etc hehe. Ahm, Guys, Alam ko yung feeling na.. natotorpe? nahihiya? baka mabasag ka? or di kaya hinde ka nya gusto? ouch diba? hehe BUT No! guys! Ito talaga ang importante. Wag na wag kayo ma totorpe. Kaya nga meron tayong tinatawag na be yourself. be confident. Isipin mo lagi na "Kaya ko ito." kasi wala naman mawawala sayo kung susubukan mo. Actually guys, lakas loob lang. Tiwala. Makikita sayo ng isang babae kung gaano ka katapang na magtapat sa kanila. AND Ok lang din naman na ma-busted ka. Ok lang din na sabihin sayo na hinde ka nya gusto or ayaw nya pa mag ka bf kasi ganito ganyan etc. Kung ganun man ang mangyari. Respeto at bigyan mo ng oras/panahon kung ready na siya. So kung nakapag hintay ka at ready na sya sa punto na magpaligaw or mag ka bf. Go kana. Promise sa paghihintay mo, i'm sure na kayo na talaga. At hinde lang kayo. Nandoon yun feeling na kayo na talaga c:
-Jefferson Merlin here c:
-My facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
-Always visit my blogspot: http://ikissmile.blogspot.com
Love you guys! thanks c:
Love love love.. what is LOVE? c:
Ang pag-ibig nga naman. Minsan hindi natin maintindihan sa ating mga sarili kung anu ba talaga ang salitang pag-ibig or love. Because love is so magical or loving someone is magical, it doesn't need any explanation. Kapag alam mo ang mga reasons kung bakit mo siya mahal, you don't really love him/her, you're just being logical. Ako kasi guys, share ko lang huh? ako kasi pag nagmahal minsan naguguluhan din ako. Hinde mu nga din masasabi kung sya na nga ba or hinde diba? Pero natuto din ako na mismo ako lang nakatuklas sa sarili ko. Kasi ako yung tipong kahit kami na. Kikilalanin ko padin sya. I mean gusto ko magkilanlan padin kami sa isa't isa. at ako din yung tipong lalaki na kahit kami na. Nililigawan ko padin sya. Hinde yung tipong ibibigay mu agad yung happiness? Malaking NO! mali yun, kasi yung tipong naging kayo lang THEN happy happy agad? hanggang mapunta na sa landian? Actually sa panahon na ito. Maraming ganyan kaya nauuwi sa mabilis na hiwalayan or yung tinatawag nating fling diba? kaya for me advise lang guys. Kung gusto nyo talaga ng magandang relationship. Kilalanin nyo muna yung isa't isa. Wag magmadali Makakapunta din kayo sa punto na sasabihin nyo sa isa't isa na "I love you." and "i love you too."
-Jefferson Merlin here c:
-and Here my facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
-always visit my blogspot: http://ikissmile.blogspot.com
Thanks guys!
-Jefferson Merlin here c:
-and Here my facebook: https://www.facebook.com/jefferson.merlin
-always visit my blogspot: http://ikissmile.blogspot.com
Thanks guys!
Subscribe to:
Posts (Atom)